I can’t remember anymore when I first dreamed of having a domain. It was long time ago, once upon a time. Aba! Ingles yun a.
Sa wakas ay ako’y nagkaroon din ng sariling domain. Ay katagal ko nang plano areh eh. Kita mo at nagkaroon din. Ay bakit ako’y nagtatagalog ay paano ga’y namiss ko. Ay duon sa dati kong free host ay hindi pwede e. Kaya kahit pilipit na ingles ay sige laang.
Ay sya paano? Sa susunod na post na laang ulit at ako’y marami pang trabaho.
Anuman, ay pansamantala laang din ang aking pananagalog at sa tingin ko ay mas ayos pa rin ang ingles sa blog. Parang ka-corny e. Pero kung maubusan man ako ng ingles, ay di magtatagalog.
Welcome na laang sa aking bagong blog. Paki-update na laang din ng URL sa mga link sa inyong blog kung meron man.
Ay sya, salamat na laang ng marami. Pagpalain kayo ng Diyos. At magandang araw na rin.
Popularity: 6% [?]