Moments with the kids vol. 1

Due to insisting public demand…

~*~

One night during dinner…
Ley: (seeing the ulam, Bulanglang, mixed vegetables with broth, makes her saddest face) Mommy, sa kwarto muna ako, kachi may problema ako e.
Mom: Huh? Anong problema mo?
Ley: (more dramatic), may kagat ako ng langgam, kelangan ko ata uminom ng tawa-tawa leaves.
Mom: Grabe sa drama ha.

~*~

Dad: Ley, you a want a pet puppy?
Ley: Opo!
Mom: Kaya lang, ikaw ang mag-aalaga sa kanya, ikaw magpapakain and magpapaligo sa kanya. Ikaw din magclean up ng pupu…
Ley: E may mommy dog naman sya diba? Sya na lang.

~*~

One morning, during the brownout…
Ley: Mommy, pray tayo para magkakuryente na.
Mom: Sige, ikaw mag-lead.
Ley: Lord Jesus, help mo naman ang TV namin kasi brownout e. Para manonood na ako ng Dora. Amen!

~*~

Daddy was “making sermon” to the kids after upsetting me with their outrageous kakulitan last night.
Dad:.. kids, hinehelp kayo ni Jesus maging mabait…napako sya sa krus para maging mabait na tayo (spreading arms)…napunta sya sa heaven para bantayan tayo…magpakabait na ha.

AFTER a minute of makabagbagdamdaming sermon…

Sam: E daddy, baket may buhok ka sa kili-kili?
Dad: Huh??

~*~

Overheard one night while Sam was praying…

“Lord Jesus, gawin mo po kaming mabait na kids, dba nasabi ko na yan sayo dati? Tsaka palobohin mo na ang tummy ni mommy para lumaki na si baby and lumabas na sya, pero wag masyado para wag pumutok ha”.

Ley was also praying, repeating what her ate is saying. I just can’t help but smile. (“,)

~*~

One noon after school…
Mom: O Sam, may Star ka ba ulet ngayon?
Sam: A wala po e, nakalimutan ni teacher lagyan ako ng star.

~*~

One breakfast, Sam and Ley playing ‘lutu-lutuan’ ala cooking show.
Sam: Today po, gagawa tayo ng Polvoron, kasi fantastic yun. Our ingredients are fish…
Mom: (taka) Teka, san ba gawa nga ang Polvoron?
Sam: E di sa sugar at pulbo. Kaya nga polvoron e.
Mom: @_@

~*~

Ley: Mommy, anong name mo?
Mom: Anna Leah
Ley: Baket kapangalan mo yung baby doll ni Sam? Anna din. Ayoko.
Mom: E Anna talaga ang name ko.
Ley: Baket?? Dapat, Ate Leah ang name mo.
Mom: Baket naman?
Ley: Diba, yun ang tawag sayo ni yaya? Diba Ate Leah? Sabi pa nga nya, “Te Leah, bili lang ako sa tindahan a” (kuhang-kuha ang accent ng dating yaya nya)

~*~

One morning…
SAM: Wake up mommy! morning na, gawa ka ng pancakes.
Mom: Nde ako makabangon, bigat ni baby e.
SAM: I will help you. (pulling my left hand) Ley, get ‘the another’ hand.
LEY: Yeah, help our mother! (pulling my right hand)

After a few seconds…

SAM: Mommy, hirap naman e, malaki ka na, matuto ka na mag-get up sa sarili mo.
LEY: Oo nga, kawawa naman kami e.
- nadali na naman ako @_@ -

~*~

One rainy afternoon…
Dad: Sam, spell HOTEL as in Kalipayan Hotel.
Sam: Hmm, Ho, H-O.
Dad: Very good. E yung TEL?
Sam: Parang sa Telephone? Hmmm, di ko alam e.
Mom: Sam, Anong letters yung may sound na ‘t’-'e’ (making the ‘t’ sound and then the ‘e’ sound).

-As usual, tawanan na ulet kami ng maigi, at maiyak-iyak pa.-

Sam: (nagtataka) O, baket kayo natawa Mommy, Daddy?

~*~

Fighting over a toy, at their lola’s place…
SAM: Ley, akin yan dba?
LEY: Akin to e.
SAM: Tama na, niloloko mo naman ako e.
LEY: Hinda a.
SAM: Ley, dapat wag ka na makulet, itapon mo na yang kalokohan na yan sa iba na lang yan na gusto magloko-loko lang. LEY: Tinapon ko na nga.
(nag-oobserve lang kami ng mga tito at lola nila, nakakatawa lang, but i pacified the fight, habang pigil ang tawa)

~*~

Habang nagla-lunch…

Sam: (talking while mouth is full) jaji, ayam mo (chew,chew)…
Dad: Sam, don’t talk when you’re mouth is full.
Mom: Ronga, sham, wag ka magchalita pag may yaman wiwig mo. (chew,chew)…
Dad: (nakatingin sakin) Isa ka pa e!

- Ala ey tawanang maigi e! -

~*~

One rainy afternoon…

Ley: Padrawing naman po ng cat-tus.
Mom: (using pink crayon) O ayan, Cactus yan Ley.
Sam: Nye, may pink bang cactus mommy?
Mom: Drawing lang naman yan e.
Ley: Ate Sam, padrawing naman po ng ulan.
Mom: O bat sa gitna ng tree lang yung ulan?
Sam: ‘yaan mo na, drawing lang naman yan diba?

~*~

Funny morning…
Sam&&Ley: Mommy gising na!!!!, morning na!!!!.
Mom: wait lang, antok pa, pagod ako sa pasyal natin kahapon e. Napilay ata ang leg ko. (paawa effect)
Sam: Huh?! Mamatay ka ba? (gulat and awa)
Mom: Hindi naman. Magpapahinga lang ako.
Sam: (seems relieved) Buti, sige, hihilutin kita.

~*~

One lunch…

Mom: O pagkatapos maglunch, naptime naman ha. Ley: E baket?
Mom :P ara lumaki at maging strong.
Ley: E chige ka, pag machadong, machadong, machadong lumaki ako, nde na ko kacha sa haus, mauuntog ako. Gut-to mo ba yon?

~*~

Eksena sa likod bahay…
Sam: Daddy, boy na boy ka, baket ka naglalaba? (sabay bawi) pero ok lang din naman yun.

After a while…

Sam: Mommy, san ka nkahanap ng asawang naglalaba? gwapong gwapo pa.

(I’m sure turo ng daddy nya yan sa kanya)

~*~

Mom: Hey kids, wag masyado makulet at magulo, sige, huhulihin kayo ng pulis.
Ley: Weh! Talaga lang ha?!
Mom: @_@

~*~

Sam: Mommy nagma-martials arts kami ni Ley.
Mom: Huh? Anong ginagawa nyo?
Sam: Nagcocolor kami at nagdodrawing. :)

~*~

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>